-- Advertisements --
Nanatiling walang paggalaw ang presyo ng mga agricultural products sa bansa dalawang linggo bago ang Pasko.
Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, na tanging ang presyo ng tilapia ang tumaas ng P5 kada kilo.
Hindi na rin gumalaw ang presyo ng bigas na naglalaro na mula P51 hanggang P52 kada kilo.
Maging ang itlog na tumaas ang presyo noong nakaraang buwan ay naibebenta na sa P7.50 and medium price na mas mababa ng P0.50 kumpara noong nagdaang mga buwan.
Ilan sa mga dahilan ng hindi paggalaw ng presyo ay dahil sa patapos na ang harvest season at ang inaasahang pagdating ng mga import na bigas mula sa India.