-- Advertisements --

Muling nag-abiso ang Department of Trade and Industry sa mga mamimili hinggil sa posibilidad ng panibagong taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin sa merkado sa mga susunod na linggo.

Sa ulat ng DTI, nasa mahigit 40 produkto na kabilang sa kanilang listahan ng basic necessities and prime commodities ang inaasahang magkakaroon ng price adjustments.

Kabilang sa mga ito ay ang presyo ng sabon, instant noodles, bottled water, at iba pang mga basic items.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, sa susunod na mga linggo o sa susunod na buwan maglalabas na ng suggested retail price bulleting ang ahensya na sasaklaw naman sa mga basic necessities and prime commodities na na-review na ng kagawaran ang price adjustments.

Samantala, bukod dito ay pinaplano rin ng trade department na magsagawa ng ilang pagbabago sa timing ng paglalabas ng price bulletin.

Kung maaalala, noong Enero 2024 ay mayroon na ring inaprubahan ang DTI ng taas-presyo sa ilang bilihin sa merkado tulad ng sabon, canned sardines, at powdered milk. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)