-- Advertisements --

Nagbabanta ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas sa buwan ng Setyembre.

Ayon sa Department of Energy, na posibleng magkakaroon ng pagtaas ng mula P2 hanggang P4.00 sa kada kilo.

Nangangahulugan nito na mayroong P22.00 o hanggang P44.00 na pagtaas sa kada tangke ng 11 kilogram na tangke ng household LPG.

Hanggang sa susunod na linggo malalaman ang nasabing pagtaas ng presyo ng LPG sa bansa.