-- Advertisements --

Mababang presyo ng LPG ang sasalubong sa mga consumers sa unang araw ng buwan ng Setyembre.

Ito ay matapos na ianunsiyo ng Petron Corporation na magpapatupad ng P1.75 kada kilo na bawas sa presyo sa household LPG simula kaninang alas-12:01 ng umaga ng Setyembre 1.

Ang Solane naman ay magpapatupad ng bawas presyo sa LPG ng P1.62 kada kilo kaninang alas-6 ng umaga.

Gayundin, ang Petron at Phoenix ay magpapatupad ng price rollback sa Auto LPG ng P0.98 kada litro at P0.95 kada litro.

Base sa data mula sa Department of Energy (DOE) , lumalabas na ang retail prices para sa 11 kilogram household LPG tank ay pumapalo sa P838 hanggang P1,024.