-- Advertisements --
Posibleng umabot sa 25 percent ang magiging pagbaba sa presyo ng kuryente sa oras na gumana na ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Ayon kay Prof. Butch Valdez sa panayam ng Bombo Radyo, mainam na solusyon ito sa patuloy na pagtaas ng singil ng power firms.
Matatandaang lumabas sa pag-aaral na nalagpasan na ng Pilipinas ang ibang mga bansa sa mundo dahil sa napakamahal na presyo ng koryente.
Pero aminado si Valdez na hindi magiging madali ang pagsisimula ng Bataan power plant dahil sa pagkontra ng mga oligarchs na nasa power companies.










