Umabot sa P230 kada kilo o P13 kada piraso ang retail price ng kamatis base sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa gitna ng kakulangan ng suplay ng gulay sa Luzon kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Egay.
Ayon sa DA, tumalon ng P60 kada kilo ang retail ng mga kamatis kumpara sa dating presyo nitong P170 kada kilo noong isang linggo sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ngunit bumaba ang farmgate prices ng kamatis sa P3 hanggang P5 kada kilo sa gitna ng oversupply partikular sa Cagayan Valley at Central Luzon.
Ayon sa DA, mayroong kakulangan kasi ng supply sa buong Luzon sa gitna ng pinsalang dulot ni Egay sa sektor ng agrikultura.
Ang mga mamimili ay nakikipagkumpitensya sa pamamagitan ng pag-aalok ng mas mataas na presyo para lamang makakuha ng mga gulay dahil alam nilang maaari pa rin silang magbenta sa Metro Manila sa mas mataas na presyo.
Kaugnay niyan, iginiit ng grupo ng magsasaka ng ederation of Free Farmers na asahan pa ang muling pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa iba’t-ibang merkado dulot na rin ng sunod sunod na sama ng panahon na ating nararansan.