-- Advertisements --

Nakatakdang tumaas ang presyo ng ilang mga produkto sa supermarkets simula sa Abril 1, ayon sa grupo ng mga supermarket sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagsipa ng presyo ng langis bunsod ng patuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. president Steven Cua, ilang mga manufacturer na ang nag-anunsiyo ng taas-presyo.

Isa aniyang manufacturer ang nag-abiso na lahat ng kanilang produkto ay kailangang magtaas ng presyo, kabilang ang mga ibinbentang mga kemikal na bunsod marahil nang pagkaubos ng raw material.

Kabilang din sa mga apektadong produkto ang pasta, noodles, canned goods at candies gayundin ang bottled water.

Posible umanong pumalo hanggang sampung porsyento ang umento sa presyo.

Maaari rin aniyang hindi minsanan lamang ang ipatutupad na price adjustments, dahil maaaring magpataw ng unti-unting taas-presyo ang mga manufacturer depende sa kalagayan ng merkado at sa demand.