Humabol na rin sa pag-anunsyo ang ilang oil companies kaugnay sa dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng iba’t ibang mga kumpanya, may kaltas na P0.15 sa kada litro ng diesel.

Tataas ng P0.85 sa kada litro ng gasolina ang Petron, Caltex, Phoenix Petroleum Philippines at Cleanfuel; habang P0.80 naman sa Shell at Petro Gazz.

Unang magpapatupad ng oil price adjustment ang Caltex bandang alas-12:01 ng Martes ng madaling-araw.

Susunod ang Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz, Shell at Petron dakong alas-6:00 ng Martes ng umaga.

Epektibo naman ang dagdag-bawas sa Cleanfuel bandang alas-12:01 ng Miyerkules ng madaling-araw.