-- Advertisements --
image 275

Inaasahang mag-stabilize ang presyo ng palay at bigas kasabay ng pagsisimula ng anihan ngayong Setyembre at Oktubre.

Kung saan target na inisyal na makakapag-ani ng 5 million MT ng ayon sa Department of Agriculture (DA).

Base sa pagtaya ng Philippine Rice Information System (PRiSM) noong Agosto 14, ang inisyal na maaaning palay ay aabot ng hanggang 2 million MT sa katapusan ng Setyembre at 3 million MT sa Oktubre o kabuuang 5 million MT.

Sa naging ulat ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Leo Sebastian kay PBBM sa kabuuan ng second semester tinatayang makapag-produce ng ng mahigit 11 million MT maliban na lamang kung magkaroon ng malalakas na bagyo sa nalalabing buwan ng taon, umaasa ang DA na maabot ang 20 million MT level para sa national palay output ng 2023.

Ayon pa kay USec. Sebastian, para sa Setyembre iniulat ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement na ang bulto ng 2.3 million MT ng ani ay magmumula sa mga probinsiya.

Gaya ng Isabela (419,000+ MT), Cagayan (172,000+ MT), Iloilo (148,000+ MT), Nueva Ecija (137,000+ MT), North Cotabato (95,000+ MT), Leyte (91,000+ MT), Oriental Mindoro (77,000+ MT), Camarines Sur (76,000+ MT), Palawan (73,000+ MT), Bukidnon (61,000+ MT), Zamboanga del Sur (55,000+ MT), at Davao del Norte (52,000+ MT).

Gayundin sa Nueva Ecija (440,000+ MT), Pangasinan (258,000+ MT), Tarlac (172,000+ MT) at iba pang rice-producing areas.

Dagdag pa ni Sebastian na ipagpapatuloy ang pagbibigay sa mga magsasaka ng kinakailangang binhi, abono, biofertilizers, farm machinery, tulong pinansiyal at iba pa sa ilalim ng Masagana Rice Industry Development Program ng Marcos admin.