-- Advertisements --
image 558

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsimula nang bumaba ang presyo ng bigas ilang linggo matapos ipatupad ang price ceiling para sa regular at well-milled rice.

Sinabi ni DTI Director Fhilip Sawali na bumaba ang presyo ng bigas sa mahigpit na pagsunod ng mga retailer sa price caps.

Aniya, batay sa datos at mga reports mula sa iba’t ibang tanggapan, nakikita nila na talagang may malaking pagtaas ng compliance rate at malaking pagbaba ng presyo sa bigas.

Matatandaan na ipinahiwatig ng Bantay Presyo ng DA, ang presyo ng lokal na bigas ay mula P40 hanggang P62, habang ang imported na bigas ay mula P44 hanggang P60.

Sinabi ni Sawali na ito ay isang magandang pahiwatig na gumagana ang price ceiling at maaaring maalis anumang oras sa lalong madaling panahon.

Una nang sinabi ng ibang mga retailer na talagang tumatag na ang presyo ng bigas at maaari na silang magbenta ng well-milled rice sa halagang P45 pesos nang walang lugi.