Bahagyang tumaas ang presyo ng well-milled rice sa unang linggo ng Enero sa gitna ng dry spell forecast ngayong 2024 base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa report ng ahensiya, pumapalo sa P55.5 ang kada kilo ng well-milled rice mula Enero 1 hanggang 5. Ito ay mas mataas kumpara sa P54.76 kada kilo na presyuhan sa ikalawang bahagi ng Disyembre at P54.34 sa unang bahagi.
Sa kabila nito, ayon kay Agriculture Sec. Francisco Laurel Jr. sapat ang suplay ng bigas sa bansa at inaasahan pa ang pagdating ng karagdagang inangkat na bigas.
Binanggit din ng kalihim na ang pagsipa ng pandaigdigang presyo ng bigas sa malalaking exporting countries partikular ng Thailand na inaasahang aabot sa $600 kada tonelada base sa rice exporters association ng bansa.