-- Advertisements --

Naguumpisa nanamang tumaas ngayong Pebrero ang presyo ng ilang pagkain sa bansa partikular na ang mga imported.

Ito ay kasunod ng naitalang pagbaba noong nakalipas na buwan kung saan ang mga ibinibentang lokal na produkto ang pinakamurang option.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang karaniwang binibili na well milled rice ay tumaas ng P56.21 kada kilo mula sa P55.42 at P55.48 noong Enero.

Ang imported rice naman sa NCR ay mabibili sa presyong P57 hanggang P65 kada kilo para sa special rice, P52 – P65 para sa premium rice, P50 – P56 para sa well-milled rice, at P50- P51 para sa regular milled rice.

Ang presyo naman ng Galunggong ay sumirit din sa P214.78 kada kilo mula sa dating P213.34 at P206.69 noong Enero.

Habang ang imported na galunggong dito sa Metro Manila ay nasa P180 hanggang P260 kada kilo. (With reports from Bombo Everly Rico)