-- Advertisements --
Naniniwala ang Department of Agriculture na magiging mataas pa rin ang presyo ng bigas ngayong unang quarter ng taon dahil sa epekto ng El Nino.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na maglalaro mula sa P47-P57 kada kilo ang nasabing presyo ng bigas.
Bagamat stable ay bumababa naman ang pandaigdigan presyo nito. Dahil dito ay asahan na bababa ang presyo ng bigas sa second quarter ng taon o sa pagtatapos ng buwan ng Mayo.
Mayroon na ring buffer stocks ang National Food Authority kung saan ang buying price nila ng palay ay nasa P23.