Nagpaliwanag ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) hinggil sa naging increase sa presyo ng reloadable Beep cards na ginagamit sa mass train system sa Metro Manila.

Ayon sa LRTA, bunga ito ng concession agreement sa pagitan ng Department of Transportation at AF Payments Inc. na siyang contractor ng Beep cards.

Simula nitong January 1 ay naging P30 na ang presyo ng isang loadable beep card, mula sa dating P20.

Bukod sa linya ng LRT Line 1 at 2, nagagamit din ang naturang card sa Metro Rail Trasit (MRT-3) at ilang Point to Point (P2P) buses sa Metro Manila.