-- Advertisements --
Naniniwala ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na makakabalik sa normal ang presyo ng asukal kapag umangkat tayo sa ibang bansa.
Mula kasi sa dating P1,700 ang presyo ng isang sako na puting asukal ay naging P3,000 na ito.
Habang ang dating P2,000 na presyo ng pulang asukal ay naging P2,700 na ngayon kada sako.
Isa sa naging dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang pagkasira ng malaking sugar rifinery sa Negros dahil sa bagyong Odette.
Mayroon din aniyang paparating na 200 metric tons na o katumbas ng apat na milyong bags ng asukal na galing bansang China at Vietnam.
Kapag dumating na ito sa susunod na buwan ay tiyak na ang pagbaba ng presyo nito.