Inaasahang maging stable ang presyo ng asukal sa loob ng isang buwan kasabay ng pagsisimula ng milling season ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ayon kay SRA Acting Administrator David Alba, nagsimula na ng sugar milling at inaasahna ang full operations sa kalagitnaan ng buwan ng Steyembre.
Aniya, inaasahan na ang presyo ng refined sugar ay nasa mahigit P80 kada kilo.
Base sa monitoring ng DA as of August 22, ang prevailing price ng refined sugar ay nasa P100 kada kilo habang ang washed sugar at brown sugar naman ay ibinibenta sa halagang P75 kada kilo at P70 kada kilo.
Samantala, sa supermarkets naman, ang presyuhana sa refined white sugar ay nasa P70 kada kilo kung saan nilimitahan lamang sa isang kilo ng asukal ang maaaring bilhin ng bawat customer.










