-- Advertisements --
Patuloy na binabantayan ng Department of Agriculture Field Office VI ang na-monitor na pagtaas ng presyo ng iilang agricultural products sa rehiyon.
Kabilang dito ang kamatis, okra, cabbage, baguio beans, siling labuyo, cooking oil, at asukal.
Ayon kay DA-Western Visayas information officer James Earl Ogatis, may increase sa production cost kung kaya’t tumaas rin ang presyo ng naturang mga bilihin.
Inaasahan pa umano na mas tataas pa ang presyo nito kung magpapatuloy ang fuel price hikes.
Samantala, sa tala ng DA Region VI, bumaba naman ang presyo ng pork ham, itlog ng manok at sahog ng pinakbet.