-- Advertisements --
fertilizers

Naitala ang pagbaba sa presyo ng Abono sa buong bansa mula noong Enero ng kasalukuyang taon hanggang sa kasalukuyang buwan.

Batay sa monitoring ng Fertilizer and Pesticide Authority(FPA), ang presyo ng abono noong Enero ng kasalukuyang taon ay umaabot sa average na 2,433.68 ang kada sako ng urea.

Habang umaabot naman sa 2,338.40 ang kada sako ng granular na urea.

Para sa Complete fertilizer, umaabot ang presyo ng hanggang 2,299.11 at 2,283.00 para sa Ammophos.

Pero sa pagtatapos ng Agusto ng kasalukuyang taon, lumalabas na nasa P1,746.95 na lamang ang kada sakong presyo ng urea, o katumbas ng pagbaba na halos P700 kada sako.

Umaabot naman sa halos P500 ang ibinaba ng kada-sakong presyo ng granular urea, halos P600 ang ibinaba ng complete fertilizer habang mahigit P600 ang ibinaba ng kada sakong presyo ng Ammophos.

Ang mga nabanggit na uri ng commercial fertilizer ay ang karaniwang abonong ginagamit ng mga magsasaka sa buong bansa.

Samantala, sa kasalukuyan ay naitala sa Region VIII(Eastern Visayas0 ang pinakamataas na presyuhan ng abono sa buong bansa.

Habang sa Region 2 naman naitala ang pinakamababang presyuhan, na mas mababa ng P100.00 kumpara sa national average price.