Itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) ang paglalabas ng press statement na sinasabing nagpahayag ng oath-taking ang ilang party-list representative na kumalat sa social media.
Sa isang pahayag, binanggit ng poll body na hindi ito naglabas ng pahayag na may petsang Mayo 5, na diumano ay nagmula sa kanilang Education and Information Department (EID).
Nilinaw din ng poll body na wala na sa hurisdiksyon nito ang naturang paglilitis.
Ang Comelec ay walang awtoridad o hurisdiksyon na gumawa ng naturang kautusan, maging sa ilalim ng Konstitusyon o anumang umiiral na batas o regulasyon.
Sa kabilang banda, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang kaso ay nasa ilalim ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).
Aniya, ito ay may hurisdiksyon sa anumang election protest o quo warranto o anumang isyu sa membership ng House of Representatives.
Binalaan din ng poll body ang mga pampulitikang organisasyon at ang publiko laban sa mga pekeng pahayag at pinaalalahanan silang palaging suriin ang tunay na mga impormasyon.