Umakyat na sa 597 presidential nominations at ad interim appointments ang nakumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments sa first regular session ng 19th Congress.
Sinabi ni CA assistant minority leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na kasama sa mga nakumpirma ng CA ang 21 Cabinet secretaries, limang constitutional commissioners, 119 foreign service officers, 451 military officers, at isang miyembro ng Judicial and Bar Council.
Paliwanag ni Pimentel, nakasaad sa 1987 Constitution kailangang lumusot sa confirmation ang mga itinalaga ng pangulo ng bansa na kinabibilangan ng mga kalihim, ambassadors, mga public ministers at consuls na ipadadala sa ibang bansa.
Kasama rin sa dapat makumpirma ng CA ang mga opisyal ng Armed Forces mula sa rangong colonel (reads as kernel) o naval captain gayundin ang regular members ng JBC.
Sinabi pa ng mambabatas na kabilang din sa proseso ang mga chairpersons at commissioners ng Civil Service Commission, Commission on Elections, at Commission on Audit.