-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang presidential adviser ng Ukraine na si Oleksiy Arestovych.

Kasunod ito sa naging pahayag niya na kanilang napabagsak ang missile na tumama sa gusali ng Dnipro.

Sinabi nito na labis itong nagsisi at malaki ang kaniyang pagkakamali dahil mayroong mahigit 40 katao na ang nasawi.

Si Arestovych ay araw-araw na nagbibigay ng updates sa nangyayari sa Ukraine sa YouTube na pinapanood ng ilang milyong katao.

Lumabas kasi sa imbestigasyon na isang Russian Kh-22 missile ang tumama sa gusali sa Dnipro na unang sinabi ni Arestovych na hindi ito tumama dahil kanila itong napabagsak.