‘Tama ang direksyong tinatahak ng ekonomiya ng bansa’.
Ito ang binigyang diin ni Go Negosyo founder at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, kasunod na rin ng naging forecast na paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Ayon kay Conception, suportado nito ang mga hakbang ng gobierno para sa tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Kinabibilangan ito ng pagkontrol sa inflation, tuloy-tuloy na paggawa ng maraming trabaho para sa mga Pilipino, at ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas na labis na nakatulong sa mga mahihirap.
Ayon kay Concepcion, mahalaga ang partisipasyon ng pribadong sektor upang matiyak na tuloy-tuloy ang pagbuti ng ekonomiya ng bansa.
Maganda rin aniya ang tinatahak ngayon ng pamahalaan na partnership sa pribadong sekto para sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Payo ng opisyal sa pamahalaan, tiyakin lang na may katumbas na revenue ang lahat ng binubuong proyekto ng gobierno, upang tuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya.