-- Advertisements --

Inanunsyo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pansamantala muna niyang pamumunuan ang Department of Agriculture (DA) sa pagsisimula ng kaniyang administrasyon.

Sa pagharap nito sa mga mamamahayag sa kanilang headquarters sa Mandaluyong City, binigyan diin nito maraming dapat tutukan sa sektor ng agrikuktura, partikular na ang pagpapalakas ng produksyon ng bigas at iba pang pagkain.

Giit nito, importante ang agrikultura bilang kritikal na pundasyon ng ating ekonomiya.

Para kay PBBM, napipinto ang isang krisis sa pagkain na magreresulta ng pagtaas ng presyo nito sa merkado sa susunod na quarters ng taong ito.

Target rin niyang ma-restructure ang Department of Agriculture, para sa mas matatag na pagtugon sa food security concerns.

Giit pa ng president elect na maraming tanggapan sa ilalim ng DA ang kailangan ng pagbabago upang maiangkop sa hamon ng makabagong panahon.

“As to agriculture, I think the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture at least for now,” wika ni Marcos.

Samantala, sa ika-124th Founding Anniversary ng DA ngayong araw, pormal nang nagpaalam at nagpasalamat si Sec. William Dar.

Nagbigay pugay din naman ang mga tauhan ng DA sa kanilang pinuno sa nasabing kagawaran.