DAVAO CITY – Gaya sa nakaraang mga taon, aasahan na magiging simple lamang ang pagdiriwang ng ika-77th Birthday ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.
Dalawang araw bago ang kaarawan ng Pangulo sa Marso 28, ginawa na nito ang kanyang nakagawian ng mga aktibidad gaya na lamang ng pagbisita nito sa House of Hope o mga bata na may cancer sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga bata matapos makatanggap ng regalo mula sa Pangulo na taon-taon rin nito na ginawa.
Samantalang labis naman na ikinatuwa ng Pangulo ang kanyang natanggap na regalo mula sa mga cancer patient kung saan inabot sa kanya ang isang teddy bear at kanyang larawan na naka-frame.
Kasabay ng kanyang pagbisita sa SPMC, dumalo rin si Pangulong Duterte sa inagurasyon ng Cancer Diagnostic Institute Building and Cancer Treatment Facility Building sa Southern Philippines Medical Center.
Samantalang nagpaabot ngayon ng dalawang birthday wishes ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte kung saan wish nito na magkaroon ng Good health at happiness sa kanyang kaarawan