-- Advertisements --

Ipinasisilip ng Makabayan bloc sa Kamara ang presensya ng mahigit 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Inihain ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang House Resolution No. 1675, na humihimok sa Committee on National Defense and Security na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang issue.

Sa resolusyon na ito, sinabi ng Makabayan bloc na sa kabila ng historical win ng Pilipinas sa claims nito sa West Philippine Sea noong Hulyo 2016, naging “passive” ang posisyon ng Duterte administasyon sa issue na ito.

Magugunita na ang Philippine Coast Guard ang siyang pinakaunang nag-ulat hinggil sa namataan nilang 220 Chinese vessels na pinaniniwalaang hawak ng Chinese militia personnel malapit sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Pagkatapos nito ay sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na nghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest sa incursion na ito ng China.