-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinangungunahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pamimigay ng cash assistance at food packs sa mga pamilya na dating apektado ng mga pagbaha na sanhi ng tumama na masamang panahon noong bespiras ng kapaskuhan sa malaking bahagi ng Northern Mindanao region.

Ito ay matapos binisita ng Pangulo kasama ang ilan sa kanyang cabinet officials sa Gingoog City,Misamis Oriental kung saan masyadong apektado ng pagbaha noong huling bahagi ng Disyembre 2022.

Tinatayang nasa higit P7.5 milyong halaga ng cash at good packs ang ipinabigay ni Marcos na para sa initial na 1,500 na pamilya na apektado ng kalamidad nitong tanghali lamang.

Magugunitang sa 26 na kompirmadong nasawi mula sa Northern Mindanao region,20 rito ay nanggaling sa Misamis Occidental,apat sa Misamis Oriental at dalawa naman sa Bukidnon.

Nagtala naman ng milyun-milyong halaga ng danyos sa sektor ng agrikultura,imprastraktura at personal na mga aria-arian ng mga binaha na halos 20,000 pamilya dito lamang sa Hilagang Mindanao.