-- Advertisements --
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na sa kaniyang panunungkulan ay makakaasa ang mga mamamahayag na mapoprotektahan ang kanilang karapatan.
Sa kaniyang talumpati sa Manila Overseas Press Club (MOPC) tiniyak nito na mapoprotektahan ang kanilang karapatan.
Ibinahagi pa ng pangulo ang kahalagahan ng mga mamamahayag sa kaunlaran ng bansa.
Pagtitiyak nito sa mga mamamahayag na handa ang gobyerno na makinig sa anumang hinaing at tugunan ang anumang kinakaharap nilang problema.
Nais din nitong palakasin ang samahan ng gobyerno ang mga mamamahayag sa bansa.