-- Advertisements --
Sinang-ayunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa panukalang pagtaas ng buwis sa mga luxury items.
Ayon sa pangulo na ang mga luxury items at luxury goods ay hindi nagbabago ang demand kaya mararapat na dagdagan ito ng buwis.
Sa nasabing hakbang aniya ay malaking tulong ang buwis para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Una ng ipinanukala ni Albay Rep. Joey Salceda ang posibilidad na pagtaas ng buwis sa mga alahas at mga luxury items na mula sa 25 percent ay gawin na itong 30 percent.