-- Advertisements --

Itinalaga na si Col. Ramon Zagala bilang bagong commanding general ng Presidential Security Group (PSG).

Sa seremonya sa MalacaƱang Park, pinalitan ni Zagala si Brig. Gen. Randolph Cabangbang.

Pinasalamatan naman ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Zagala sa kaniyang katapangan na tanggapin ang hamon na magserbisyo sa PSG.

Umaasa ito na sa ilalim ng pamamahala ni Zagala ay magpapatuloy ang husay ng PSG sa pagbibigay ng seguridad sa Office of the President, gayundin sa kanyang pamilya at sa mga bumibisitang heads of state at diplomats.

Pero binigyang diin ni Marcos na ang misyon ng PSG ay higit pa sa pagbibigay ng proteksyon sa first family dahil ang binabantayan ng mga ito ay ang institusyon ng presidency kaya naman pinipili ang pinakamahuhusay na men and women in uniform para lumahok sa PSG.

-- Advertisement --

Pinasalamatan rin ng punong ehekutibo ang PSG sa pagtupad sa kanilang tungkulin ng may integridad at pagka-makabayan.

Hiniling nito na manatiling nagkakaisa sa pagbibigay ng seguridad sa Konstitusyon para sa mga Pilipino.

Sa panig ni Col. Zagala, nagpasalamat rin ito sa tiwalang ibinigay ng Pangulo.

Batid raw niyang ang kanilang papel ay hindi lang simpleng protektahan ang Presidente at kanyang pamilya kundi tiyakin ang stability ng bansa.

Hiniling nito sa tropa na ibigay ang excellent, at highest standard sa pagtiyak ng kaligtasan ng first family at manatiling professional at tapat sa Konstitusyon at sa bansa.