-- Advertisements --
Mainit na sinalubong ng mga opisyal ng United Kingdom si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nasa UK kasi ang pangulo para dumalo sa coronation ni King Charles III.
Nakasalamuha ng pangulo ang representative ni King Charles kung saan sila ay unang pinasyal sa Gatwick airport.
Ang Gatwick airport kasi ay itinuturing na pinaka-busy na paliparan sa buong mundo.
Kasama ng pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos na magiging saksi sa coronation ni King Charles III na gaganapin sa Buckingham Palace ngayong Mayo 6.










