Isa ng ganap na Filipino si American basketball player Justin Brownlee.
Ito ay matapos na pormal ng pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukalang batas na nagbibgay ng Philippine citizenship kay Brownlee.
Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios na kinumpirma sa kaniya ni Senator Francis Tolentino ang chairman ng Senate Committee on Justice ang nasabing balita.
Magiging epektibo ang batas matapos ang 15 araw kapag ito ay mailathala sa Official Gazette at mga diyaro sa bansa.
Pinasalamatan naman ni Barrios ang mga tao na nasa likod ng pagbibigay ng Filipino citizenship kay Brownlee.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay ipinasa ng Senado at House of Representatives ang pagbibigay ng Filipino Citizenship sa Barangay Ginebra import.