-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pananatili pa rin ito bilang kalihim ng Department of Agriculture.

Ayon sa pangulo, mabilis at epektibong maisasakatuparan ang anumang pagbabago sa DA dahil sa kaniyang panunungkulan.

Wala aniyang makakahindi sa kaniya sa mga opisyal ng DA kaya naniniwala itong epektibo siya sa kaniyang puwesto.

Magugunitang maraming mga mambabatas at grupo ang naghihikayat sa pangulo na maglagay nito ng kalihim sa DA na tututok sa problema ng agrikultura sa bansa.