-- Advertisements --
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na inaayos na ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpupulong sa Kuwait para talakayin ang labor agreement.
Pahayag ito ng pangulo sa pagbisita niya sa burol ng pinatay na overseas Filipino worker sa Kuwait na si Jullebee Ranara.
Ayon sa pangulo na magsasgawa sila ng bilateral meeting sa Kuwait at pag-usapan ang mga kalagayan ng mga OFW doon.
Tiniyak din ng pangulo na ibibigay ang anumang tulong na makakaya sa pamilya ng pinaslang na OFW na si Ranara.










