Hindi makakadalo sai Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa United Nations General Assembly 78th session na gaganpin sa New York City.
Kinumpirma ito ni Philippine ambassador to US Jose Manuel Romualdez.
Sinabi nito na imbes na ang pangulo ay irerepresenta na lamang siya ni Department of Foreign Affairs Enrique Manalo.
Kasama na dadalo ay sina Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, Health Secretary Teddy Herbosa, , National Economic Development Authority Undersecretary Rosemarie Edillon, Special Envoy of the President to UNICEF Monica Louise Prieto-Teodoro, kinatawan ng Department of Finance, local executives mula sa League of Cities ng bansa.
Bukod sa pagtalakay sa mga international issues ay nag-organisa si Enrique ng ministerial roundtable sa migration, environment at climate change sa Asia-Pacific region sa Setyembre 20.
Pangunahing tatalakayin dito ay ang climate change kung saan gaganapin ito sa darating Setyembre 19.