-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapulisan at NBI na sampahan ng kaukulang kaso ang mga indibidwal na naarestong iligal na nagbebenta ng COVID-19 vaccine.

Sa kaniyang national address nitong Miyerkules ng hatinggabi, sinabi nito na dapat maparusahan ang mga nagbebenta ng nasabing mga bakuna.

Iginiit ng pangulo na libre ang mga bakunang ipinapamahagi sa vaccination program.

Nasa ilalim pa ng emergency use authorization ang mga COVID-19 vaccine kaya hindi pa ito maaring ibenta sa mga botika.

Magugunitang isang registered nurse ang inaresto ng NBI noong nakaraang mga linggo dahil sa pagbebenta ng mga bakuna laban sa COVID-19.