-- Advertisements --
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain sa lalong madaling panahon ang lahat ng mga nakukumpiskang iligal na droga lalo na ang shabu.
Sa kaniyang talumpati nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ayaw niyang may mga nire-recycle at ibinebenta muli ng mga otoridad na mga droga na kanilang nakukumpiska.
Hanggang aniya sa susunod na linggo ay nais nitong ipasira ang nasabing iligal na mga droga.
Kapag nasira na raw ang mga iniingatang droga ay malayo ang tiyansa na muli itong maibebenta.
Magugunitang ilang kapulisan ang nasangkot na rin sa pagre-recycle ng mga nakukumpiskang iligal na droga.