Sinibak na sa pwesto ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang precint commander sa General Santos City na nanakit umano sa kanyang mga tauhan.
Kinilala ang sinibak na si PCapt Nemecio Calipjo Jr., chief of the Police ng Precinct 8 sa Barangay Tinagacan.
Base sa ulat, sinampal at sinuntok ni Calijo ang 4 na police Non-Commissioned Officers na naka-assign sa presinto dahil sa hindi nagustuhan pagresponde sa isang reklamo.
Tila nakainom din umano si Calijo nang manakit.
Ayon kay Eleazar, minabuti nyang alisin ang pulis sa pwesto habang gumugulong ang imbestigasyon.
Pagtitiyak ni PNP chief na hindi nya hahayaan na ganitong uri ng pulis ang mamumuno sa mga komunidad dahil kung hindi niya kayang irespeto ang kanyang kapwa pulis ay malamang ay hindi rin niya kayang irespeto ang mga karapatan ng mga sibilyan.