-- Advertisements --
bantag 1

Hihilingin ng Department of Justice ang precautionary hold departure order kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag para pigilan itong umalis ng bansa habang nahaharap sa sunud-sunod na mga kasong kriminal.

Ito ang inihayag ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla dahil may mga nakabinbing kaso laban kay Bantag na sinusuri ng prosekusyon at malapit nang isampa sa korte.

Si Bantag, BuCor deputy director for security and operations na si Ricardo Zulueta gayundin ang 10 iba pang preso ay inakusahan sa pagpatay kina Percy Lapid at Jun Villamor, ang umano’y middleman sa pagpatay sa radio broadcaster.

Noong nakaraang linggo, nagsampa ng magkahiwalay na kaso ng murder ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation laban sa mga respondent sa DOJ.

-- Advertisement --

Sinabi rin ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. na umaasa silang magsampa ng mga reklamo para sa plunder at illegal quarrying laban kay Bantag at iba pang prison officials ngayong linggo o sa susunod na linggo.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y maanomalyang proyekto para sa tatlong detention facility na nagkakahalaga ng P900 milyon.

Nagsampa rin ng reklamo ang BuCor laban kina Bantag at Zulueta dahil sa umano’y pagpapahirap sa dalawang preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Kinasuhan si Bantag ng serious physical injures at paglabag sa Anti-Torture Act.

Si Zulueta ay nahaharap sa reklamo para sa obstruction of justice.

Inakusahan din si Bantag ng pagpapahirap sa mga prison guard mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.