-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng pre-emptive evacuation ang MDRRMO Maddela katuwang ang kapulisan para sa mga residenteng nakatira sa mga mabababang lugar na madalas maapektuhan ng pagbaha tulad ng Sitio Isla sa Barangay Pedlisan, Maddela, Quirino.
Nakahanda at alerto na rin ang Disaster Response Team at Volunteers ng nasabing bayan.
Nagsagawa na rin ang tanggapan ng LDRRMO katuwang ang iba pang tanggapan at ahensya ng pamahalan ng pagbibigay-babala kaugnay ng bagyong Karding.
Sa pinakahuling update ng PAGASA ay nakataas pa rin ang Signal #2 sa buong lalawigan ng Quirino.