-- Advertisements --
image 332

Inihahanda na rin ng Philippine Red Cross ang manpower at mga kagamitan nito para sa magiging epekto ng Supertyphoon Mawar sa bansa.

Batay sa statement na inilabas ng PRC, naka-deploy na ang mga rescue, relief assets, kasama na ang mga kagamitan at volunteers ng nasabing organisasyon.

Maliban dito, tiniyak din ng PRC ang pag-prepossition sa kanilang mga food trucks, water tankers at mga payloader.

Nauna na ring dinala ng Red Cross ang mga ambulansya at generator sa mga vulnerable areas sa bansa.

Tiniyak naman ni PRC Sec Gen. Gwendolyn Pang ang kahandaan ng kanilang mga volunteers, health workers, at mga staff, na tunguhin kahit pa ang mga malalayong lugar at komyunidad na maaaring maapektuhan.