Sinimulan nan raw ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kanilang review sa kanilang operasyon na layong maibaba ang cost of shipping ng mga goods at maritime travel.
Sa isang statement, sinabi ni PPA officer-in-charge (OIC) General Manager Manuel Boholano na kasama sa kanilang ire-review ay ang mga regulatory at statutory costs na ipinatutupad ng PPA maging ang mga indirect costs na may kaugnayan sa efficiency at productivity ng ports sa ilalim ng kanilang jurisdiction.
Nakatakda rin umanong makipagpulong ang PPA sa iba pang maritime government agencies, shipping line operators at iba pang port stakeholders para pag-usapan ang ang “efficient utilization” ng mga pasilidad sa high-volume ports o “gateway ports” gaya ng sa Manila, Batangas, Cagayan de Oro at Iloilo.
Maliban dito, binibilisan na rin ng PPA para mapaganda ang digitalization ng kanilang mga ipoprosesong mga dokumento gaya ng Internet-based Port Operations and Receipting for Terminals System, e-Permit Management System, Transport Accreditation, Permits and Pass for Ports at ang pag-interconnect sa iba pang government agencies para maalalayana ng galaw ng mga cargoes.
Kasama na rin dito ang mas mabilis na delivery ng mga raw materials para sa mga shippers at mga negosyo na nagresulta sa mas mababang overheads at mas mabilis na travel time para sa mga regular na pasahero maging ng mga turista.
Itutuloy din umano ang modernization at improvement ng infrastructures para makapag-provide sa mga shippers ng regular na sea-going passengers at turista para sa kanilang comfort at convenience.
Ang plano rin umanong cost reduction ay ang top priority sa kasalukuyang diskwento para sa mga estudyante, senior citizens, differently-abled persons, uniformed personnel, Medal of Valor awardees at first-degree kin para sa bayad ng passenger terminal fees sa lahat ng mga PPA-controlled ports.
Ngayong taon, nakapagtala ng 130 percent na pagtaas sa passenger volume o katumbas ng 20.87 million passengers mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kumpara sa 9.07 million passengers na unang limang buwan noong nakaraang taon.
Samantala, ang container cargo traffic ay tumaas din mula 3.84 percent ay naging 3.12 million twenty-foot units (TEU) ito mula sa dating 3 million sa parehong period noong 2021.