-- Advertisements --

Nagpaalala ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pasahero na iwasan ang last-minute bookings para maiwasan ang pagkaantala ng biyahe.

Ito ay kasabay na rin ng inaasahang pagbuhos ng mga pasahero sa mga pantalan na magsisiuwian sa mga probissiya para sa paggunita ng Holy week sa susunod na linggo.

Ayon sa PPA aabot sa mahigit 2 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa mga pantalan sa buong bansa kasabay ng Semana Santa na mas mataas kumpara noong nakalipas na taon na nasa mahigit 1.8 million.

Bunsod ng inaasahnag dami ng mga pasaherong babiyahe, pinayuhan ng PPA ang publiko na maagang planuhin ang biyahe lalo na sa peak seasons.

Samantala, bilang paghahanda naman sa pagdagsa ng mga pasahero sa Holy week, nagpatupad na ang ahensiya ng full manpower scheme at no leave policy sa kanilang mga tauhan.