-- Advertisements --
image 495

Inamin ng Philippine Ports Authority (PPA) na posibleng maging problema ang kakulangan ng mga sasakyang pandagat na magseserbisyo sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong babiyahe sa nalalapit na 3 araw na holiday.

Ito ay mula sa araw ng Barangay at SK elections sa Lunes, Oktubre 30, paggunita ng Araw ng mga Santo sa November 1 at Araw ng mga Kaluluwa sa Nobiyembre 2.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, nagsisimula ng dumagsa ang mga pasahero sa iba’t ibang mga pantalan sa buong bansa kasabay ng nalalapit na holiday breaks.

Kayat posible aniyang hindi mapunan ang pagdagsa ng mga babiyahe sa dami ng barkong bumabiyahe.

Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagdagsa ng 1.4 million pasahero para sa peak season.

Nagabiso naman ang opisyal sa publiko na i-secure muna at kumpirmahin ang booking tickets bago ang petsa ng biyahe para maiwasan ang anumang aberya.

Pinagbabawalan din ang mga pasahero lalo na ang mga magmumula sa Mindoro sa pagdadala ng karneng baboy at frozen pork products na ipinagbabawal dahil sa banta ng ASF.