Buhos ngayon ang mga pakikiramay sa pagkamatay ng “Power Rangers” actor na si Pua Magasiva sa edad na 38-anyos.

Batay sa ulat, nagtungo raw sa isang bahay sa Wellington, New Zealand ang mga pulis at tumambad na lamang sa kanila ang wala nang buhay na katawan ni Magasiva.

Ayon naman sa isang police spokesperson, wala raw silang nakikitang “suspicious circumstances” sa kanyang pagpanaw.

Kaugnay nito, sinabi namna ng kanyang production company na labis ang kanilang pagkalungkot sa paglaang pagkawala ng aktor.

“Pua was a much loved member of the South Pacific Pictures’ family for many years and our hearts and thoughts go out to Pua’s family at this time,” pahayag ng kompanya.

Matatandaang ginampanan ni Magasiva ang karakter ni Shane Clarke, ang Red Wind Ranger, sa “Power Rangers Ninja Storm,” na ika-11 installment ng kilalang superhero franchise. (CNN)