-- Advertisements --

Balik normal na ang operasyon ng power plants sa Luzon matapos ang pananalasa ng bagyong Karding.

Ayon sa latest report ng Department of Energy (DOE), ang huling hydroelectric power plant (HEPP) na bumalik na ang operasyon ay ang Pantabangan-Masiway HEPP sa Nueva Ecija.

Kabilang dito ang apat na planta sa Benguet na nakaranas ng outages.

Ang anim na units naman ng Hedcor Inc.’s power plant ay operational matapos magkaaberya dahil sa fault sa 69-kilovolt (kV) transient line bunsod ng bagyo.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sapat ang suplay ng kuryente para sa Luzon grid na may available capacity na 12,740 megawatts.

Iniulat din ng NGCP na ang peak demand ng kuryente sa Luzon ngayong Lunes ay inaasahang aabot sa 12,740 megawatts.

Mayroon pang surplus ng power supply ang Luzon gris sa kabila ng aberya sa anim na planta.

Kabilang dito ang GNPower Mariveles Energy Center 2 na may 270 MW, Masinloc 1 ( 250 MW), Masinloc 2 (300 MW), Masinloc 3 (240 MW), Pagbilao 1 (320 MW), at San Gabriel (211 MW).