Masusing binabantayan ng Department of Energy ang power plants malapit sa bulkang Mayon.
Kung saan ayon sa DOE nitong nakalipas na linggo walang napaulat na apektado na mga planta partikular na sa dalawang plantang pinakamalapit sa bulkan gaya ng Tiwi Geothermal Power Plant sa Albay at Bacon-Manito Geothermal Power Plant sa Sorsogon.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, sakali man na magkaroon ng disruption sa linya ng kuryente at magkaaberya sa mga planta, mayroon aniyang black start capability ang Bacon-Manito Geothermal facilities.
Nakabantay din ang National Grid Corporation of the Philippines sa 285 structures gaya ng towers at mga poste ng kuryente sa loob ng 15-kilometer radius ng bulkang Mayon.
Sakali man na magkaroon ng power interruption, tiniyak ng the DOE sa publiko na agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mahahalagang establishimento kung saan magiging prayoridad ang mga ospital.