Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang poultry ban sa mga bansang Chile at Turkey.
Ito ay sa ilalim ng Memorandum Orders (MO) 65 at 66 series of 2023 na pinirmahan ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban.
Nakasaad sa naturang memorandum na nagawa ng dalawang bansa na ma-kontrol ang pagkalat ng bird flu sa kanilang mga teritoryo.
Ibig sabihin, maaari na muling umangkat ang Pilipinas ng mga poultry products mula s amga naturang bansa na kinabibilangan ng mga karne ng manok, mga sisiw, itlog, at semen, bastat pumasa ang mga ito sa standard na ipinapatupad ng Pilipinas.
Abril ng taong kasalukuyan nang ipinatupad ng DA ang poultry ban sa dalawang nabanggit na bansa dahil sa pangamba laban sa bird flu.
Batay sa datus ng DA, malaki ang bulto ng mga poultry products na inaangkat ng Pilipinas mula sa dalawang nabanggit na bansa na kinabibilangan ng karne ng manok, pato, at pabo.