-- Advertisements --

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang nagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 2020.

Sa pamamagitan ng viva voce votes, inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 4933.

Sa ilalim ng panukala, sa halip na May 2020, idaraos ang naturang halalan sa December 5, 2022.

Pareho rin ang petsa na ito sa bersyon ng Senado.

Magugunita na ang postponement ng naturang halalan ang pinagkuhanan ng Kamara ng P5 billion para sa realignment sa ilalim ng 2020 proposed P4.1 trillion national budget.