-- Advertisements --
facemask

Bumaba sa 13.9 percentang positivity rate o ang bilang ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Group na si Dr. Guido David, ang bilang ay isang 0.5-puntong pagbaba mula sa 14.4 percent rate sa rehiyon noong December 10.

Aniya, mukhang umuurong ang BQ.1 wave sa panahon ngayon ng Christmas holiday ngunit patuloy pa din na inoobserbahan ang pagtaas ng positivioty rates sa Bataan, Laguna at Zambales.

Sa labas ng Luzon, tumaas ang positivity rate sa Misamis Oriental na may 13.8 percent mula sa 9.8 percent.

Kaugnay niyan, ang mataas na positivity rates sa Aklan na 23.8 percent, Palawan na may 23.6 percent, at Zamboanga del Sur na 26.1 percent naman ay kanilang ring naobserbahan.

Liban nito, ang mababang positivity rate ay iniulat sa naman sa Capiz, Davao del Norte, Iloilo, South Cotabato.

Mahigpit pa ding pinapaalalahanan na ang publiko ay wag ipagwalang bahala ang patuloy pa ding kumakalat na COVID-19 virus sa ating bansa.