Sumasalamin ang positive trust ratings ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa tiwala ng mga tao sa Senado bilang institusyon.
Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kung saang ang resulta na ito aniya ay nangangahulugan din ng tiwala ng mga miyembro ng Senado kay Zubiri.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nakakuha si Zubiri ng majority trust ratings, kung saan 53% ng mga respondent ang nagsasabing nagtitiwala sila sa liderato ng Senado.
Ang survey, na isinagawa mula Marso 6 hanggang 10 ngayong taon, ay may pagtaas ng dalawang porsyento ng trust ratings ni Zubiri mula sa 51% noong 2023.
Nakakuha naman ng trust rating ang senador sa Mindanao na 69% mas mstaas ng 11% mula sa 58% na nakuha niya mula sa nakaraang survey ng Pulse Asia.
Giit ni Villanueva na ang timing ng survey ay nagpapatunay din sa tugon ng Senado patungkol sa iba’t ibang mga isyu, partikular na ang Charter change.